Ano ang Tulungan MBAI?

Bilang tugon sa panawagan ng ating pamahalaan na mabigyan ng proteksyon at kasiguruhan ang mga "low income earners" o iyong mga taong maliit lang ang kita, at sa kagustuhang mabigyan ng panibagong serbisyo ang mga kasapi ng kooperatiba, ang STO. ROSARIO CREDIT and DEVELOPMENT COOPERATIVE (SRCDC) ay piniling magtatag ng isang Mutual Benefit Association na narehistro sa pangalang SRCDC MUTUAL BENEFIT ASSOCIATION, INC., ito ay alinsunod sa itinatadhana ng batas ayon sa Joint Memorandum Circular (01-2010) ng Insurance Commission (IC) Securities & Exchange Commission (SEC) at Cooperative Development Authority (CDA) sa ilalim ng pamamahala ng Department of Finance (DOF).

Ang SRCDC MBAI ay narehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong ika-28 ng Disyembre taong 2007 bilang isang non-stock non-profit na samahan na pag-aari at pamamahalaan ng mga aktibong kasapi ng SRCDC at sa Insurance Commission noong ika-1 ng Agosto taong 2008 at nagsimula nang operasyon bilang rehistradong Microinsurance MBA noong Enero 6, 2009. Ang SRCDC MBAI ay kauna-unahang Microinsurance MBA sa Bulacan na pag-aari nang mga kasapi ng isang kooperatiba. ang STO. ROSARIO CREDIT and DEVELOPMENT COOPERATIVE (SRCDC)

Noong ika-28 nang Disyembre, 2016, sa pamamagitan nang Unang Di-Pangkaraniwang Pulong nang mga aktibong kasapi na ginanap sa KB Gymnasium, Guinhawa, City of Malolos, Bulacan, naaprubahan ang pagbabago nang pangalan ng SRCDC MBAI bilang TULUNGAN MUTUAL BENEFIT ASSOCIATION INC. (Formerly: SRCDC MBAI).